Tuesday, October 27, 2015

Kahirapan sa Pilipinas

KAHIRAPAN 


Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Dahil anumang dami ng oportunidad ang dumating sa buhay mo, kung tamad ka wala paring mangyayari. Nasasayo na din iyon. Kung ikaw ay tamad, makakaranas ka ng kahirapan. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakakaranas ng kahirapan. Dahil hindi na nagbago ang ganitong pamumuhay sa lipunan ay masasabi nating mas malala ang buhay ng mga tao ngayon kumpara noon, at patuloy pang lumalala. Ang hindi namamalayan ng mga tao ay patuloy silang nag-aadjust o nakikibagay sa lumalalang kahirapan sa bansa, at tinanggap na nila ito bilang isang normal na bagay.Korupsyon, katamaran, at kakulangan ng edukasyon, yan ang mga pangunahing dahilan kung bakit laganap ang kahirapan sa ating bansa.


Korupsyon, ito ay ang pagbubulsa ng pera na para sa mga mamamayan. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Halimbawa nalang ay ang mga hindi tapos na pag papagawa ng kalsada, hindi matapos tapos ang pag papagawa dahil sinasabi ng mga namamahala na wala ng pondo pero ang totoo ay ibinulsa na nila ang perang nakalaan dapat sa pag sasagawa ng kalsada.


Kakulangan sa edukasyon, Mas lumalaki ang porsyento ng mga walang pinag–aralan dito sa Pinas. Kaya humihirap ang ating bansa. Sinasabi na "Ang kabataan ang pag asa ng bayan", ngunit kung walang sapat na kagamitan at lugar ang mga bata upang matuto ay sa tingin niyo may matututunan pa ba sila? Mahirap talaga ang buhay kung wala kang pinag – aralan dahil mahihirapan kang humanap ng trabaho. Karamihan kasi ng mga trabaho ngayon ay matataas ang pamantayan at hindi sila tumatanggap ng mga walang pinag – aralan. Kung dito pa lang ay nararanasan na ang hagupit ng kahirapan, paano pa kaya kapag ikaw ay hirap na hirap na sa buhay? 


Katamaran, ayon sa wikipedia ito ay ang pag iwas sa gawain, hanap buhay o trabaho. katumbas ito ng indolensya. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay. 




Hahayaan nalang ba natin na ganito ang ating bansa? bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? kailan pa tayo kikilos upang mabago ang takbo ang ating pamumuhay? At kung isang unos sa bansa ang kahirapan, may pag-asa pa bang sisilay ang araw ng Pilipinas? tayo na at magsikilos para sa pag asa ng ating bayan.Tayo ang mag-aahon sa ating bansa mula sa kahirapan. Balang araw ay masisilayan natin ang kaginhawaan. Samkatuwid, sana’y kahit katiting ay may tumatak sa mga isipan niyo. Sama-sama tayong lahat, pusain na ang kalunos-lunos na kahirapan.








10 comments:

  1. Tama ang nilalaman ng blog na ito. Mahusay

    ReplyDelete
  2. Tama yan! Dapat nating masolusyunan ang mga problemang humaharap sa ating bansa lalong lalo na ang kahirapan

    ReplyDelete
  3. Yeah right kailangan nating magsama sama tungo sa kaunlaran

    ReplyDelete
  4. tama yan kailan ng pagkakaisa para malutas ang kahirapan

    ReplyDelete
  5. Mahusay. tama yan dapat masolusyunan ang kahirapan

    ReplyDelete
  6. maganda at may katotohanan ang laman nito

    ReplyDelete
  7. maganda at may katotohanan ang laman nito

    ReplyDelete
  8. Tama.. Katamaran ang nagdudulot ng kahirapan bukod pa sa kurapsyon.

    ReplyDelete